Nagbago Na Ba Ang Panahon?

IMG_5923 (1)

Ang una naming napansin ay ang mga gris na pader ng katedral na nagmumukhang arkitekturang Kastila. May mga puting marmol na mga estatwa sa mga haligi na binabantayan ang pintuan papasok ng katedral. Mukhang maingat na inukit ang mga estatwa ng marmol na ito. Bagaman kapansin-pansin, ang katedral ito ay nagmumukhang angkop sa kaniyang kapaligiran, na may mga kalsada’t kalesa na mukha ring mula sa ibang panahon. Tila ibinalik kami sa panahon ng mga Espanyol, kung saan may nagtitindang sorbetes, sombrero, at pana at balaso.

Katulad ng panahon noon, mapapansin pa rin ang paghati ng mayayaman at mahihirap. Ang mga masasabing “purong pinoy” ay nagtatrabaho sa init ng araw, habang ang mga dayuhan ay pumapasyal at naglilibot. Kahit na nagbago na ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang lipunang Pilipino.

Leave a comment