Diana

 

IMG_6086 (1)
Ang pangkat kasama si Diana, at ang munting regalo na aming hinandog sa kanya

Hindi namin alam kung saan mag-uumpisa hanapin ang kotsero. Lahit sila’y nakasuot ng pare-parehong polo, at magkakamukha ang lahat ng mga kalesa. Ang tanging marka ng pagkakaiba ng bawat isa ay ang numero ng kalesa. Kaya kami’y nagtanong sa isang rayadillo, at sinabi niya na ang kotsero na hinahanap namin ay nasa biyahe pa.

Dahil dito, napagdesisyunan ng aming grupo na tumungo muna ng Fort Santiago, at pagkalipas ng isang oras, binalikan namin ang rayadillo. Itinuro ng rayadillo ang isang kotsero, ngunit nang ipinakita namin ang larawan, hindi raw siya yun. Ayon sa kotsero, ang nasa larawan ay si Erning, na tila ay pumanaw na. Ngunit, sa hindi kalayuan ay naroon ang nagmana ng trabaho at karwahe ni Erning. Nilibot namin ang paligid ng Manila Cathedral at natagpuan ang anak ni Erning na si Diana, na siyang nagmana ng trabaho ni Erning at ngayon ay naghahanapbuhay bilang kotsero ng kalesa.

Ang pangalan niya ay si Kotserong Erning, at namatay siya noong 2012.

Leave a comment