“Bagong” Binondo

Kasama sa aming lakbay-aral ang pagtungo sa Binondo upang hanapin ang ilang lugar. Narito ang aming pagsusuri sa aming pag-iikot sa Binondo:

Ang Bahay ni Kapitan Tiyago

Ayon sa unang kabanata ng Noli Me Tangere, ang bahay ni Kapitan Tiago ay isang malaking istruktura tulad ng karamihan sa mga estilo ng bahay sa bayan noon. Ang harap nito ay nasa “braso” ng Pasig na kilala ng iba bilang ilog ng Binondo. Ang bahay raw na ito ay nasa Calle Anloague at humigit kumulang isang milya ang layo mula sa kaisa-isang tulay sa lugar. Minarapat ng aming grupo na tignan ang kasaysayan nito at nalaman namin mula sa Inquirer na ayon kay Rizal mismo, ang naging inspirasyon ng bahay sa nobela ay ang bahay ni Balvino Mauricio sa 175 Anloague sa Binondo. Pinuntahan namin ang lugar ngunit nalaman naming kasalukuyan palang may tinatayong bagong condominium rito. Dahil maraming sasakyan ang dumadaan sa Juan Luna St. o ang kasalukuyang Anloague, pinili ng aming grupong magpakuha na lamang ng retrato sa katabi nitong building na angkin din ang mga katangian ng bahay ni Kapitan Tiago na inilarawan ni Rizal. Tulad sa nobela, ang harap nito ay ang ilog na mismo at ilang kilometro lamang ang layo nito mula sa tulay.

 

Cafe de la Campana

IMG_5880 (1)IMG_5884 (1)IMG_5886 (1)

Ito ang lugar kung saan dating nakatayo ang Cafe de la Campana. Ngayon ay isa na itong gusali kung saan ground floor nito ay ginagamit pangkomersyal.

Leave a comment