Ang Pagwawagi ng Siyensiya sa Buhay at Kamatayan

IMG_5989 (1)

Ang lilok ni Rizal na ito ay pinamamagatang Triumph of Science over Death, o Scientia, na kanyang ginawa bilang regalo sa kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt na isang Austrian na iskolar. Ang iskultura ay imahe ng babaeng nakahubad na nakatayo sa bungo at may hawak na tanglaw sa ibabaw ng ulo niya at nakaladlad nang husto ang kanyang mga braso. Ang babaeng ito at ang kanyang kamusmusan ay sinasabing sumisimbolo ng kamangmangan ng sangkatauhan noong panahon ng Dark Ages, at ang kanyang hawak na tanglaw ang siyensiya na nagbibigay ng kaalaman sa mundo. Ang pagtayo ng babae sa bungo, na sumisimbolo sa kamatayan, ay ang nais makamit ng sangkatauhan na pagwagi ng siyensiya at kaalaman sa kamatayan.

Isang replica ng lilok na ito na gawa sa konkreto ay matatagpuan sa harap ng University of the Philippines College of Medicine, bilang simbolo ng pagsasanay sa larangan ng mediko upang magtagumpay sa kamatayan at magligtas ng mga buhay.

Ngunit hindi lamang sa pamamagitan ng larangang medikal na literal na nakakapagpagaling ng lunas na masasabing nagtatagumpay ang siyensiya sa kamatayan. Bilang mga iskolar ng bayan na nag-aaral ng midya, na kabilang sa larangan ng arte at literatura, pamilyar tayo sa konsepto ng ating mga gawa at ideya na patuloy na nabubuhay kahit tayo ay pumanaw na, dahil ibang klaseng enlightenment ang ibinigay sa atin ng siyensiya at mabuting edukasyon. Tayo ang ilaw na hawak ng babae sa istatuwa, ang pinagpala ng kaalaman na kayang magwagi sa kabila ng kahit anong makamundong kamatayan. Tulad na lamang ni Jose Rizal, na ngayon at magpakailanman ay buhay na buhay sa puso’t utak ng mga Pilipino.

Leave a comment